Mga Mahahalagang Bagay Ukol sa Pangangalakal sa Pilipinas
Ang pangangalakal sa Pilipinas ay isa sa mga pinaka importanteng bagay na kailangan mong malaman kung ikaw ay nagnanais na mapaunlad ang iyong pngkabuhayan sa bansa. Sa mga panahon ngayon, lubos na dumarami ang mga nangangalakal sa bansa maging lokal na mamayanang Pilipino o mga dayuhang nasa larangan ng pagnenegosyo.
Bago mo isipin at gawing mangalakal, may mga mahahalagang bagay na kailangan mong malaman at maintindihan.
Ano nga ba ang pangangalakal sa Pilipinas noon at ngayon?
Upang mas maintindihan mo ang konsepto ng pangangalakal sa bansa, mas maiging malaman kung ano nga ba ito noon at sa kasalukuyang panahon.
Ang pangangalakal sa Pilipinas ay nagsimula noon pang mga panahon ng mga sinaunang Pilipino gamit ang sistema na tinatawag na barter or palitan. Magpapalitan ng kani-kanilang mga produkto o kalakan ang dalawang mangangalakal o sa panahon ngayon ay mas kilala sa pagiging negosyante.
Iba’t-ibang uri ng bagay ang kinakalakal ng mga ninunong Pilipino tulad na lamang ng mga aning prutas, mga alagang hayop, at mga yamang mineral at mahahalagang produkto ng kalikasan gaya na lamang ng ginto, pilak, lamang-dagat tulad ng kabibe at perlas.
Pangangalakal Ngayon
Ang modernong tawag sa kalakalan ay komersyo at ito ay sumusunod sa konsepto na ginamit din noong unang panahon. Ito ang kusang pagpapalitan ng mga serbisyo, produkto, at iba pa. Ito din ay sumusunod sa mekanismo ng pamilihan.
Subalit ang pangangalakal sa Pilipinas sa makabagong panahon ay kung saan nagkakasunod ang mga mangangalakal or negosyante sa isang pangkalahatang pamalit or pamamaraan ng palitan. Ang salapi ang siyang ginagamit na paraan ng palitan sa pamimili o pagtitinda.
Bakit Importante ang Pangangalakal
Isang napakahalagang elemento ng industriya ng kahit na anong bansa ang pangangalakal dahil ito ang nagsisilbing paraan ng pagbuhay at pagsustento ng ekonomiya. May iba’t ibang sangay ng industriya ang bansang Pilipinas kung saan nagaganap ang iba’t ibang klase ng pangangalakal.
Ang pinaka dahilan ng pangangalakal sa bansa at sa iba pang panig ng mundo ay ang pagpapalagay ng pagtaas ng demand o pangangailangan ng mga tao. Nang dahil din dito ay pumasok ang bansang Pilipinas sa tinatawag na World Trade Organization upang mabigyan ng oportunidad ang mga nais mangalakal sa ibang bansa. Para matutunan ang pinakamahalagang bagay ukol sa usaping ito, maaari nyong tuklasin ang pangangalakal ng Alpari sa Pilipinas.
Narito ang mga sangay ng industriya kung saan ginagamit ang pangangalakal ng mga produkto at serbisyo:
Pagmamanupaktura
Ang pagbuo o paggawa ng mga organiko at di-organikong produkto or mga bagay sa pamamagitan ng paggamit ng kamay o makina kung saan maaaring gawin sa bahay o pabriko.
Pagmimina
Ang industriya kung saan nangunguha ng iba’t ibang klase ng mahalagang metal sa bansa upang gamitin sa pangangalakal.
Agrikultura
Ang pagtanim, pag-ani, at pagbebenta ng mga produktong galing sa pagsasaka o legal na pagtotroso.
Napakahalaga ng pangangalakal sa Pilipinas dahil ito ay nagbibigay at naggagarantiya ng kabuuang kita ng bansa. Ito rin ay ang siyang nagbibigay ng hanapbuhay sa iba’t ibang uri ng mga manggagawa upang makamit ang isang magandang buhay at kinabukasan.