4 na Pinakamagandang Casino sa Maynila

Ang Maynila—-ang kabisera ng Pilipinas—ay isang malawak at urbanisasyon na nagsisilbi bilang puso at diwa ng buong bansa. Isang siyudad na umaapaw ng kayamanang pangkultura, malalim na kasaysayan, at walang katulad na libangang panggabi. Isa sa mga hiyas ng korona nito ang hatid nitong mga casino, na nagsisilbing paraiso para sa mga manlalaro at mga mahilig sa nightlife

Heto ang pinakamagandang mutya sa larangan ng mga casino sa Maynila, kung saan ang luho, kagalakan, at ang init ng laro ay nabubuhay.

1. Solaire Resort and Casino

Matatagpuan sa Entertainment City sa gilid ng Manila Bay, ang Solaire ang naghahatid ng gold standard sa sugal at libangan sa Pilipinas. Lulan ng integrated resort na ito ang mahigit 1,200 na mga slot machine at 300 na gaming table na naghahandog ng samu’t-saring laro mula poker hanggang baccarat, roulette, blackjack, at iba pa. 

Hindi lamang casino ang hatid nito. May hatid din itong mga de luxe karanasan sa kanilang hotel, iba’t-ibang makakainan mula sa mga kaswal na kainan hanggang sa pinakamaluhong pagkain sa buong mundo, isang teatro at isang mall na lulan ang mga pinakakilalang na tatak sa buong mundo, sopistikado ang karanasang maaasahan mo sa Solaire. Para sa mga mahilig pumusta sa sports, narito rin ang Solaire Sportsbook, kung saan pwedeng pumusta sa malawak na seleksyon ng mga laro para sa mga manlalarong nais tumaya. Gayunpaman, nagkakaroon na ng kakompetensya ang Solaire Sportsbook sa mga online casino at sportsbook na ligal sa Pilipinas tulad ng 20Bet (https://20bet.asia/).

2. Resorts World Manila

Ang pagpasok ng Resorts World Manila sa merkado noong taong 2009 ang nagsilbing hudyat ng pagbabago sa industriya ng libangan at turismo sa Pilipinas. Bilang nanguna sa konsepto ng integradong resort hotel at casino, napakarami ang hatid nitong opsyon para sa mga nais makaranas ng naiibang antas ng kalidad. 

Lulan ang libo-libong slot machine at daan-daang table game, nanatili ang Resorts World Manila bilang isa sa mga pangunahing casino at integrated resort sa bansa na kinagigiliwan ng mga kaswal na manlalaro at mga VIP. Matatagpuan sa complex nito ang Maxims Hotel at ang 5-star na Marriott Hotel Manila. Dito din matatagpuan ang Newport Performing Arts Theater, isang kanlungan ng mga konserto at show mula sa pinakatanyag na mga artista.

3. City of Dreams Manila

Itinatag noong 2015, ang City of Dreams Manila ay isa sa mga sumunod na entertainment complex na pinagkakaisa ang sugal, maluhong mga akomodasyon, at libangan para sa bawat miyembro ng pamilya. Tatlo ang hatid nitong hotel—Nüwa, Nobu, at Hyatt—at ang bawat isa ay naghahatid ng kakaibang antas ng luho at ginhawa.

Kagagalakan ng mga manlalaro ang casino ng City of Dreams, kung saan matatagpuan ang mahigit 2000 na slot machine at mahigit 300 na table games. Isa sa mga atraksyon dito ang poker room na dedikado para sa mga bihasang manlalaro nito. Matatagpuan din dito ang DreamPlay, isang sentro ng libangan para sa pamilya na itinatag kapit-bisig ang DreamWorks Animation, at iba’t-ibang pandaigdig na mga restawran.

4. Okada Manila

Hindi ka magkakamaling matukoy agad ang Okada Manila dahil sa ikoniko nitong hugis na sinasalamin ng Manila Bay. Talaga namang napakaganda ng hatid na karanasan ng integrated resort na ito pagdating sa luho na matatagpuan sa mahigit 3000 slots at 500 table game sa casino nito.

Dekalidad din ang mga libangang hatid ng Okada katulad ng Cove Manila, isang beach club na kayang maglulan ng 4,500 na katao, isang museo, isang pandaigdig na spa, at maluhong mga kainang hatid nito. 

Spread the love

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Exit mobile version