November 18, 2024

3 thoughts on “SSS lauds signing of Kasambahay Law

  1. Kasambahay law.We just registered our kasambahay who had been working for us since 1993, call me ignorant of the law, but.Since the law just signed., Will.
    I be penalized for the number of years that I didn't contribute?

  2. KASAMBAHAY LAW
    Wala Sa Lugar, Wala Sa Tamang Panahon.

    Another very unreasonable law must be shouldered by Juan de la Cruz particularly the supposed to be Middle Class who by now because of our current economic situation may be rightly classified as part too of the Lowest Class or The Poor.

    Noong araw pag ikaw ay nakatapos ng kolehiyo at nakapasok sa isang opisina, malamang ikaw ay mapabilang sa tinatawag na Middle Class. Pero ngayon magkano ba ang sahod ng mga ito? Malamang ang mga baguhan ay magsisimula sa Minimum o P456/day.

    Pag ikaw ay nag-asawa, naturalmente, kailangan mo ng magsarili. Kung kayat kailangan mo na ng isang bahay na matitirahan nyong mag-asawa. Dahil wala ka pang pambili, mapipilitan kang mangupahan. Sa puntong ito atin munang sumahin ang Net Income & Basic Expenses ng mag-asawang ito.

    Minimum Salary/Day P456 X 26 = Gross Income P11,856.00. Gross Income 11,856.00 – Philhealth 137.50 – SSS 366.70 – Pag-ibig 100.00 = Monthly Individual Net Income P 11,251.80. Monthly Individual Net Income 11,251.80 X 2 = Monthly Couples Net Income P 22,503.60. House Rental 5,000.00 + Electricity 2,300.00 + Water 350.00 + Pamalengke 5,000.00 + Couples Transportation To & Fro The Office (P120 X 26 X 2 ) 6,240.00 + Couples Meal At The Office ( P80 X 26 X 2 ) 4,160.00 + Baby Milk 4,500.00 + Baby Pampers 1,600.00 + Baby Water 450.00 + Kasambahay Wage 3,000.00 = Monthly Basic Expenses P 32,600.00. Monthly Basic Expenses 32,600.00 – Monthly Couples Net Income 22,503.60 = Monthly Net Income Shortage To Basic Expenses P10,096.40.

    Note: This computation did not even include LPG Gas, Grocery Items, Baby’s Check Ups & Other Health.

    Maintanance Budget, House/Car/Educational Plans, etc.

    Mapapansin natin na mas malaki ng P10,096 ang Basic Expenses kaysa Net Income. Kung kayat kailangan pa ang karagdagang halagang iyan sa Net Income ng sino man sa mag-asawa upang matustusan ang Basic Expenses. Malamang mahabang panahong paghihintay, pagsisikap, & panalangin pa ang katapat ng halagang iyan.

    Bagamat halos wala na ngang matira o kulang pa nga ang kanilang kita ay kailangan pa rin nilang kumuha ng isang kasambahay na mag-aasikaso sa bahay lalo na kung may maliit silang anak upang silang mag-asawa naman ay makapasok sa kani-kanilang opisina.

    Sa panahon ngayon, napakahirap ng kumuha ng isang kasambahay kung kayat ang amo na ang nakikisama sa kanila sa pag-asang tumagal-tagal naman ang mga ito. Bukod pa dito, mataas na ang kanilang Asking Price, pinakamababa na marahil ang P3,000.00 at madalas ay napakaabusado pa. Ilang halimbawa ang mga sumusunod:
    • Nandoong hihingan ka ng pamasahe plus finder’s fee kung may ahente, pagkatapos ay hindi naman sisipot o sisipot nga pero makalipas lang ang ilang araw ay lalayasan ka na. Paano naman ang iyong nagastos na lubhang mahalaga din sa iyo?
    • Puro cellphone na lamang ang inaatupag pag di nakaharap ang kanilang mga amo kung kayat ang kanilang mga gawain ay di na maisaayos o di na talaga ginagawa.
    • Walang ingat sa mga gamit & kasangkapan.
    • Walang pakundangan pag-aaksaya ng gasul, kuryente, tubig, pagkain, etc.
    • Pagnapagsabihan, sila pa ang galit o tuwirang lalaban pa sa kanilang amo.
    • Marami pang iba, ngunit ang higit na pinakamasama ay ang pagmaltrato sa mga alaga nilang bata o ang malakihang pagnanakaw.

    Sa kabila nito, dahil nga sa lubhang pangangailangan mo at napakahirap na ngang kumuha ng isang kasambahay, ay pagtitiyagaan mo pa rin. Susugal ka pa rin, sabay ng panalangin na “ Huwag naman sana ang pinakamasamang mangyayari”.

    Tapos ito na nga ang Kasambahay Law, dagdag pahirap sa kawawang naghihirap ding amo. Noong unang panahon na naaapi pa ang mga kasambahay sa Pilipinas, kailangan ito. Sa Saudi o sa iba pang bansa kung saan naaapi ang mga kasambahay, kailangan ito. Pero dito sa ating Bayang Pilipinas, ngayon? “ Wala Sa Lugar O Sa Tamang Panahon”.

  3. Pls. deputies all barangay officials to visit all the residences within their jurisdiction if they have a "kasambahay". If this law will be effective. Kasambahays are still at the mercy of their employer avoiding responsibility.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *